Advertisers

Advertisers

RSA kontra MVP!

0 631

Advertisers

Naka-usap natin si Direk Francis Noel Jopillo kahapon sa telepono. Nasa Clark daw siya nandoon kasama ang sports coverage crew ng TV5 para sa PBA semi-bubble sa Bacolor, Pampanga.

Nasa Quest Hotel karamihan ng mga koponan samantalang sila ay nasa iba pang lugar.

Hindi na raw kaya ng budget gaya noong isang taon na pinagwagian ng Barangay Ginebra na maaga ngayon nagbakasyon.



Limang team na lang naiiwan habang sinusulat natin ang pitak na ito. Bumalik na ng Kamaynilaan ang mga eliminated. Mababawasan pa ng isa. Uuwi na rin ang Meralco o NLEX kung sino ang natalo sa kanilang do-or die game sa DHVSU kagabi.

Ang semi-finals pala ay MVP vs RSA kahit ano nangyari sa Bolts vs Road Warriors.



TNT at saka Meralco o NLEX sa kampo ni Manny V, Pangilinan kontra sa San Miguel at Magnolia na mula sa pangkat ni Ramon S. Ang. Ang magiging pairings ay Ka-Tropang Giga – Beermen at Magnolia – winner ng Road Warrios vs Bolts.

Tiyak may mga additional motivation at bonus ang mga player at staff.



Extra Interesting ito.

***

Kanya-kanya ng media day ang mga NBA team. Siyempre upbeat lahat at positibo ang tingin sa pabubukas ng season ngayong buwan ng Oktubre.

Sa Las Vegas naman ay llamado ang New Jersey na magwagi ng finals. Plua 250 ang Nets. Panglawa ang LA Lakers na plus 350 naman. Sinundan sila ng Bucks, Warriors at Jazz.

***

Nagretiro na kuno sa boksing si eight-division champion, Manny Pacquiao. Oo nagpapasalamat tayo sa greatest Pinoy prizefighter of all time. Daig pa si Flash Elorde.

Kaso ginawa niya yan dahil tatakbo siyang presidente. Tapos naolat pa siya kay Ugas noong Agosto.

Sana noong huling panalo para maganda ang timing. Kaso nagpadala sa udyok sa salapi.

Hayan kapag hindi nanalo sa Mayo ay babalik pa yan. Ang spin ay big comeback.

Maniniwala muli sa bulong brigade ng nakapaligid sa kanya.Hehehe.