Advertisers

Advertisers

Spa na may sexual service sa QC sinalakay, 3 masahista nasagip

0 489

Advertisers

SINALAKAY ng mga awtoridad ang isang spa na nagbibigay ng sexual service sa kanilang kostumer nang maabutan pa sa akto ang dalawang masahista na nagbibigay ng kakaibang serbisyo sa kanilang kostumer ang Alex Wellness SPA sa Cubao, Quezon City, nitong Biyernes ng madaling araw .

Agad na inaresto ang magkapatid na may-ari ng Spa na sina Diane Rosales, 22, dalaga, at residente ng No. B-34, Lot-8 Simona Subd., Taytay Rizal; at Gemma Rosales, 52, may asawa, ng Bogalion Pangasinan Isiro Tatay Rizal.

Nasagip naman sa prostitusyon ang massage therapist workers na sina John,18; Byen, 24; at Michelle, 28.



Sa report ng Cubao Police Station (PS-7) ng Quezon City Police District (QCPD), 12:30 ng madaling araw (October 1), nang salakayin ang nasabing Spa sa No. 9F Karen Building 9 Annapolis St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao.

Nauna rito, nakatanggap ng ulat ang mga awtoridad na bukod sa masahe nag-aalok ng extra services ang Spa gaya ng serbisyong sekswal sa kanilang mga kostumer.



Agad na nagsagawa ng pagsalakay ang mga pulis sa pangunguna ni PCpl Raymond Tabag, kasama ang isang asset na nagpanggap na kostumer sa nasabing SPA at nang makumpirma ay pinasok na ito ng mga awtoridad.

Nahuli pa umano sa akto ang dalawang masahista habang nagseserbisyo ng sekswal sa kanilang kostumer sa loob ng isang silid.(Boy Celario)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">