Advertisers

Advertisers

Anunsyo ni Digong: SAGO ’22!

Sara 'no comment' sa tandem nila ni Bong Go

0 517

Advertisers

IDINEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo ang kanyang anak na si Davao Mayor Sara Duterte-Carpio bilang pangulo sa 2022 national at local elections.

Ayon kay Pangulong Duterte, running mate ni Mayor Sara si vice-presidential candidate Senator Bong Go.

Si Go ay sinamahan mismo ng pangulo sa paghahain nito ng certificate of candidacy (CoC) sa Sofitel, Pasay City nitong Sabado.



Nitong Sabado ianunsiyo rin ni Duterte na magreretiro na lamang siya sa politika.

Pero hindi naman nasabi ng nakatatandang Duterte kung kailan maghahain ng CoC ang kanyang anak.

Nitong Sabado nang nag-file din si Duterte-Carpio ng kanyang CoC na tatakbong alkalde ng Davao City.

Sara ‘no comment’ sa tandem nila ni Bong Go 
TUMANGGING magbigay ng komento ni Davao City Mayor Sara Duterte hinggil sa sinabi ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay tatakbong presidente kasama si Sen. Bong Go para sa 2022 national elections.

Sa isang panayam, sinabi ng alkalde na “no comment” siya nang matanong hinggil sa Sara-Go tandem sa 2022 polls.



Nitong Sabado, Oktubre 2, naghain ng kanyang kandidatura ang batang Duterte para tumakbo ulit sa pagka-alkalde ng Davao City.

Matatandaan na noong Sabado rin sinabi ni Pangulong Duterte na bise presidente ang posisyon na tatakbuhan ni Go sa susunod na taon.

Bago ito, nagsabi na rin si Go na inaalok niya si Mayor Sara bilang kanyang running mate nang magdesisyon siyang huwag nang ituloy ang pagtakbo sa pagka-pangulo.