Advertisers
Habang nagpi-picture-taking ang magkakalaseng pulis biglang may nahulog na tao galing sa tuktok ng Ulan-ulan Falls, Brgy. Sampao, Almeria, Biliran, nitong Oktobre 2, 2021.
Kinilala ang biktima na si Luzviminda Abraham Taruyo, 51-anyos, may asawa at residente ng Brgy. Sampao, Almeria, Biliran.
Sa ulat, nahulog ang isang babae galing sa tuktok ng nasabing falls at lumagapak sa mababaw na parte ng katubigan na tinataya na hindi bababa ng 30 metros ang taas ng pinagbagsakan nito, na naging dahilan upang mawalan ng malay habang nakalutang sa tubig.
Agad sinaklolohan ang biktima nina PMaj MichaeI John Astorga, hepe ng Naval MPS at PMaj Relente, nakadestino sa Finance Service 8 at dinala sa Biliran Provincial Hospital upang lapatan ng kaukulang lunas.
Inaalam pa ang dahilan ng pagkakahulog ni Taruyo sa nasabing falls.