Advertisers

Advertisers

Ilang bahay sa Occ. Mindoro, gumuho sa lindol

0 210

Advertisers

Gumuho ang ilang bahay matapos yanigin ng lindol ang lugar sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa report, 5:59 ng umaga nang maranasan ang Magnitude 5.6 na lindol sa Sablayan, Occidental Mindoro.

Ini-report ng mga residente ng Zone 5, Barangay San Agustin sa Sablayan ang naging pagguho sa ilang parte ng kanilang mga bahay pagkatapos ng lindol.



Naramdaman naman ang Intensity III sa Santa Cruz, Intensity II sa Magsaysay, Occidental Mindoro at Pinamalayan, Oriental Mindoro.

Naitala naman ng Philvocs ang ilang pagyanig at Intensity III sa San Jose, Occidental Mindoro, Intensity II sa Batangas City at Intensity I sa Mulanay at Mabuan, Quezon at Tagaytay City, Cavite.

Mayroong 31 aftershocks na naitala mula nang lumindol na nasa magnitude 1.6 hanggang 4.6.

Sa report, 4:42 ng hapon bumaba na ang mga naranasang pagyanig kung saan nasa Magnitude 1.9 na lamang ito.

Matapos ito, wala nang inaasahang aftershocks na magaganap ayon sa Philvolcs.



Matatandaang noong September 27 lang, nagkaroon din ng 5.7 magnitude na lindol sa Looc, Occidental Mindoro.

Naramdaman din ito sa ilang lugar kabilang na ang Batangas, Cavite, Rizal at maging sa Metro Manila.