Advertisers

Advertisers

Mga pulis pinaiiwas sa ‘partisan politics’

0 258

Advertisers

Pinatutukoy ni Philippine National Police Chief Gen. Ghillermo Eleazar ang lahat ng mga police officer na mayroon kamag-anak o pamilya na tatakbo o kakandidato sa anuman local posisyon sa gaganaping May 2022 election.

Ito’y upang matiyak na walang sinuman pulis na direktang makisali o masasangkot sa partisan politics.

Ayon kay Eleazar, layunin nito na mare-assign o italaga ang sinuman pulis na malayo sa lugar kung saan kandidato o tatakbo ang kamag-anak o pamilya nito.



Aniya, may natatanggap silang mga ulat at sumbong gayundin sa mga kaso ng nakalipas na may mga pulis na nauugnay sa karahasan at nagiging biktima rin ng maling paratang.

Isinaad ni Eleazar na matiyak na hindi mabibigyaan ng pagkakatao ang sinuman pulis na makialam sa eleksyon at maiwasan rin ang mga alegasyo na ang PNP sangkot sa partisan politics.

Sinabi ni Eleazar na nananatiling mapayapa at maayos ang paghahain ng COCs at Certificate of Nomination and Acceptance sa buong bansa at mananatili silang mapagmatyag hanggang sa huling araw.(Mark Obleada)