Advertisers
PALAISIPAN ngayon ang dahilang ng pamamaril at pamamaslang sa isang negosyanteng Bangladesh National na nangyari sa harap ng Band P. Trading LTD Inc. sa P. Torres St., Brgy. 5 ng Lipa City, Batangas, noong linggo ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Shajad Miah, nasa hustong gulang at residente sa No. 1 FB Arty Subd., RM B-1, Karuhatan, Valenzuela City.
Ayon sa ulat ng Lipa City Police Station, kasalukuyang nakaupo sa labas ng naturang establisimyento ang biktima ng lapitan ng dalawang ‘di kilalang salarin na sakay ng hindi naplakahan na motorsiklo at pinaputukan ng ng kalibre 45 na baril ang biktima na nagawa pang makatakbo subali’t hinabol parin ng mga salarin at muling pinaputukan hanggang sa bawian ng buhay ang biktima.
Mabilis naman tumakas ang mga salarin patungo sa ‘di pa tukoy na direksyon at narekober sa lugar ng crime scene ang siyam na piraso na basyo ng bala at isang piraso ng pinaputok na bala para sa naturang kalibre ng baril.
Inaalam na ngayon ng SOCO ang pagkakakilanlan ng mga salarin. (Koi Laura)