Advertisers
Nagkakahalaga ng P 6.8 million shabu ang nasamsam ng mga otoridad at pagkakadakip sa 3 drug personalities sa isinagawang buy bust operation sa Tawi-Tawi.
Kinilala ang 3 nadakip na sina Rodimer Hamsiri Sappari, 21; Nurmilyn Suldi Majid, 26, ng Barangay Poblacion; at Hatta Muialib Sakiral, 28, ng Brgy Suwang Pukol, Bongao, Tawi-Tawi .
Ayon kay MGen Alfredo Rosario Jr., Commander ng Western Mindanao Command, isinagawa ang buy bust operation ng pinagsanib na elemento ng Marine Battalion Landing Team-12, Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM, at Philippine Drug Enforcement Agency-Region IX sa Bagay St., Poblacion, Bongao, Tawi Tawi.
Nasamsam sa mga suspek ang ilang small cut heat sealed transparent gree straw na naglalaman ng shabu na may timbang na 1 kilo na nagkakahalaga ng P6.8 million, at mga drug paraphernalia.
Nasa kustodiya ng PDEA-IX ang mga suspek at sumasailalim sa imbestigasyon at paghahanda ng kaso paglabag sa RA9165.(Mark Obleada)