Advertisers

Advertisers

3 Katao patay sa kidlat sa beach

0 282

Advertisers

Patay ang tatlong katao kabilang ang 2-anyos na batang babae nang tamaan ng kidlat habang nasa dalampasigan ng isang beach resort sa Barangay Locloc, Palauig, Zambales, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay Col. Romano Cardino, Zambales Police Provincial director, kinilala ang mga nasawing sina Jake Generalo, 28; John Daryl Generalo, 15; at Princess Generalo, 2, kapwa mga residente ng nasabing bayan.

Ayon kay Cardino, 4:30 ng hapon kasama ng mga biktima ang kanilang mga kaanak sa picnic at paliligo sa beach nang biglang umulan ng malakas at kasunod noon ang isang kidlat.



Nagtago ang mga biktima kasama ang mga kaanak sa ilalim ng pine tree nang aksidente silang tamaan ng kidlat.

Sa report, mabilis na dinala ang mga biktima sa Provincial Hospital sa Iba, Zambales, subali’t idineklarang dead-on-arrival.