Advertisers
INIHAYAG ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang inflation rate sa bansa nitong Setyembre.
Ayon kay PSA Chief Dennis Mapa, bumagal ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa 4.8% nitong nakaraang buwan.
Ito ay mas mabagal sa naitalang 4.9% na inflation noong Agosto.
Ani Mapa, pasok ito sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 4.8 hanggang 5.6 percent range.