Advertisers

Advertisers

Mag-asawa inaramalite-patay habang sakay ng bangka

0 462

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Alitan sa lupa ang natatanaw na motibosa pamamaril patay sa mag-asawang senior citizen sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Giara Tuwa at Saptula Maton, mga residente ng Barangay Bulucaon Pigcawayan Cotabato.

Ayon kay Barangay Bulucaon Brgy. Chairman Mark John Montales na sakay sa isang bangka ang mag-asawa patungo sana sa kanilang sakahan sa Sitio Dungguan Brgy. Bulucaon at hangganan ng Northern Kabuntalan Maguindanao nang inabangan ng mga hindi kilalang salarin at pinagbabaril gamit ang M16 Armalite rifles.



Agad namang tumakas ang mga salarin patungong Maguindanao na sakay rin ng motor banca.

Patay on the spot ang mag-asawa nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pigcawayan PNP sa pamumuno ni Major Ivan Zamoraga sa pamamaril patay sa mag-asawa.