Advertisers

Advertisers

Misis ng SB member, niratrat-patay ng tandem

0 327

Advertisers

PATAY ang isang babaeng asawa ng SB member sa Numancia nang barilin ng riding in tandem sa Sitio Looban, Camanci, Norte, nitong Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Jonalyn Maribojo, 42 anyos ng nasabing lugar, at kasalukuyang nagtatrabaho sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Sa inisyal na report, papunta sanang trabaho ang biktima ngunit tumigil sa lugar ang sinasakyang service tricycle sa harap ng CBCP Multi-Purpose Cooperative at naiwan sa loob ng tricycle ang biktima ng driver at pumunta sa water refilling station. Nagtanong pa umano ang biktima ng presyo ng isda sa dumaang tindero.



At doon na lumapit ang riding in tandem upang barilin ang biktima na agad namang kumaripas ng takbo papunta sa puting van ‘di kalayuan sa bahay ng biktima.

Ayon sa tindero ng isda, nakasuot ng helmet at face mask ang driver at ang gun man.

Kaagad isinugod sa ospital ang biktima pero binawian din ito ng buhay, habang kasalukuyang nag-imbestiga ang Numancia PNP sa insidente.

Kasalukuyan namang blangko pa ang pamilya ng biktima sa motibo ng krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">