Advertisers

Advertisers

Mixer truck, umandar nang walang nagmamaneho: 4 motorsiklo, inararo

0 280

Advertisers

Wasak ang apat na motorsiklo na nakaparada nang mabangga ng isang mixer truck na umabante kahit walang driver sa Pagadian, Zamboanga del Sur.

Sa ulat, sinabi ng pulisya na nakaparada sa gilid ng kalsada ang mixer truck nang bigla itong umandar kahit wala ang driver.

Inararo nito ang mga motorsiklo na nakaparada.



Pinaniniwalang na umusad ang truck dahil sa mahina ang kapit ng preno nito.

Dalawa sa apat na truck na inararo ang hindi kaagad naialis dahil sa hindi kaagad dumating ang driver ng truck

Mapalad naman na walang nasaktan sa nangyaring insidente