Advertisers

Advertisers

P2.4m marijuana bricks, bumulaga sa bumanggang SUV

0 295

Advertisers

KALINGA – Tinatayang aabot sa mahigit P2.4 milyong halaga ng marijuana bricks na nasamsam sa naaksidenteng SUV sa Barangay Bado Dangwa, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay PCol. Davy Vicente Limmong, Provincial Director ng Kalinga Police Provincial Office o KPPO, isang Toyota Fortuner na galing sa Upper Kalinga patungong Centro ng Tabuk City ang nasangkot sa aksidente sa pakurbadong daan sa Bado Dangwa sa naturang lungsod.

Nabangga ng Fortuner ang isang motorsiklong minamaneho ni Adrian Pangiditan, 18 anyos, residente ng Bantay, Tabuk City na umokupa sa linya ng sasakyan sanhi para dumiretso at nahulog sa gilid na ibabang bahagi ng kalsada.



Nang rumesponde ang awtoridad sa aksidente, wala na ang drayber ng Fortuner at bumuluga na lang sa loob nito ang mga bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na binalot ng dyaryo.

Umabot sa 20 kilos at 400 gramo ang timbang ng mga nasamsam na marijuana bricks na nagkakahalaga ng P2.4 milyon.

Kinilala ng pulisya ang may-ari ng nasabing sasakyan na si Fernando Maccay, residente ng Buscalan, Tinglayan, Kalinga batay sa nakitang papeles na nakuha sa loob ng sasakyan. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">