Advertisers
LUMIHAM kay House Speaker Lord Allan Velasco ang principal authors ng House bill 10171 o panukala para i-institutionalize ang UP-DND accord upang tutulan ang pagbawi sa pagpapatibay ng panukala.
Nakasaad sa liham ni Quezon City Rep. Kit Belmonte at ng MAKABAYAN Bloc na lagpag na sa itinatakda ng House Rules ng 18th Congress ang motion for reconsideration ni Senior Deputy Majority Leader Jesus Crispin “Boying” Remulla na bawiin ang approval ng panukala.
Salig anila sa section 106 ng House Rules, maaari lamang magkaroon ng mosyon sa reconsideration ng inaprubahang panukala, report o motion sa mismong araw na ito ay inaprubahan o sa kasunod na session day.
September 21 nang lumusot sa 3rd at final reading ang panukala sa botong 179 na yes at walang pagtutol.
Sumunod na araw, September 22 ay natanggap ito ng Senado.
September 30 naman nang i-mosyon ni Remulla na bawiin ang approval ng panukala.
Dahil dito, 5 session days na anila ang lumipas sa pagitan ng pagkaka-apruba at mosyon na ito ay bawiin.
Sa ngayon ay ipinababalik na ang panukala sa Kamara at balik sa status na approved sa 2nd reading. (Henry Padilla)