Advertisers

Advertisers

Ibasura mga kandidatong may mantsa ng korapsyon

0 329

Advertisers

MARAMI-RAMI narin ang nakapag-file ng certificate of candidacy (CoC) para sa Halalan 2022.

Sigurado ilan sa kanila ay hindi na bago sa inyong pandinig, mga trapo o dekada na sa politika. Iba sa kanila ay malinis ang pangalan, at ang iba naman ay may mantsa na ng katiwalian o korapsyon.

Op kors marami ring bagong pangalan na nakapag-file na. Sila ang inyong kakaliskisan at puwedeng subukan para sa bagong pag-asa.



Iyong mga datihan na, dekada na sa politika at may bahid ng katiwalian, walang ginawang kapaki-pakinabang na programa sa inyong lugar, ihahalal nyo parin ba? Aba’y tanga ka na kapag ibinoto nyo parin sila. Mismo!

Tulad halimbawa sa mayor: Kung nakailang dekada nang nagpapalitan ang mag-anak sa inyong bayan/lungsod at wala namang magandang social services at maayos na programa na nakapagpaunlad sa inyong kabuhayan at lantad pa sa korapsyon, dapat ‘wag nyo nang botohan, sipain nyo na sa kapangyarihan. Kung hindi, aba’y kayo na ang may problema. Right?



Tandaan: Ang eleksyon ay isang proseso sa ating Saligang Batas na binibigyan ng kapangyarihan ang mamamayan para pumili o maghalal ng tamang mga lider para sa ikauunlad ng isang bayan, lalawigan at bansa sa kabuuan.

Kaya ang bawat boto natin ay sagrado. Ito ang maglalagay sa matitinong kandidato at ito rin ang magtatanggal sa mga kulimbat na politiko.



Oo! Kung alam mo nang tulisan ang isang kandidato at ihahalal mo parin, ibig sabihin ay kinukonsinte mo ang isang magnanakaw, manloloko at gagong politiko. Kasama ka sa virus ng korapsyon.

Kaya kung galit ka sa tulisang politiko, ibasura mo na sila. Magboto ka ng tama sa Mayo 9, 2022. Mabuhay!!!

***

Last two days na ng filing ng CoC. At apat na kilalang presidentiables na ang nag-file sa Comelec ng kanilang aplikasyon para sa pagka-pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Ito’y sina: Senador Ping Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao, at dating Senador Bongbong Marcos.

Dalawang personalidad nalang ang inaabangan ng madlang Pinoy para mag-file ng CoC, sina Vice President Leni Robredo at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Si Robredo, ang bet ng original opposition, ay tinanggap na ang endorsement ng 1sambayan at Liberal Party para pambato sa pagka-pangulo. Ngunit hanggang ngayon ay nag-iisip parin ito kung kakasa o mag-local nalang.

Kamakailan, si Robredo ay nag-transfer ng kanyang voter registration sa kanyang lalawigan sa Camarines Sur. Naging palaisipan ito na ‘pag ‘di siya natuloy sa presidential, tatakbo ito sa local, maaring governor o mayor.

Naging palaisipan din sa supporters ni Sara ang pag-file nito ng CoC as Mayor sa kanilang lungsod.

Pero maari pang magwidro si Sara for mayor at mag-substitute kay Senador Bong Go na nag-file ng CoC for Vice President, kungsaan posibleng mag-tandem sila ni Marcos.

Ang substitution ay magsisimula ng Oktubre 9 hanggang Nob. 15. Kaya marami pang mangyayari rito sa mga pag-file ng CoC. Subaybayan!