Advertisers

Advertisers

Manipis

0 8,947

Advertisers

HINDI maitago ng mga tampalasan ng Dabaw ang kababawan sa pagtatago ng tunay na tatakbo sa panguluhan para sa ’22. Walang pagdududa na ang nagsumite ng COC sa pagka Mayor ng lunsod ang ilalaban o tatakbo bilang mayor ng bansa. Pakitang gago ang paghahain nito ng dokumento sa pagka alkalde ng lunsod na pinamumunuan nito, ang re-electionist. Pero hindi magugulat si Mang Juan sa manipis na galaw ng Inferior Dabaw Group (IDG) dahil masasalamin na ibig nitong pumalit sa amang walang nagawa kundi ang magmura, magpapatay, mang-alipusta, magnakaw at pahirapan ang mga Pilipino na nagtiwala ng anim na taon, ano ang kabayaran, utang at kahirapan. Ibig maging pangulo ang anak, na nakilala dahil sa ama at ang pananapak sa isang sheriff na nagpapatupad ng lehitimong utos mula sa korte.

Sa haba ng panahon bago ang pinaka dulo ng pisi, kailangan masabi kung sino-sino ang mga lehitimong tatakbo sa halalan ’22, tila naglalaro ng dama ang mga kakandidato at kumikilos upang maligaw si Mang Juan o pumasok sa patibong upang maawa ang bayan at itulak ang kandidatura. Maghanda sa dummy na naunang naghain ng intensyon sa pagtakbo na magbibigay daan kay Inday Sapak. Pero manipis na ito, may kapalit pwesto at pera. At ang galaw na ito’y tunay na manipis at hindi maitatago dahil sa bakas ng nakaraan.

Handa na ang makinarya, ang puhunan para sa ’22, at bakit magmamadali gayung may gumagalaw na para dito. Ang panloloko sa Pilipino’y tunay na nakakasuka’t nakakabulag o mga bayaran, nakikinabang ang naniniwala sa kilos na ito. Sa totoo lang, hindi maikubli ng mga alagad ni Inday Sapak ang kilos at atat na atat na sa pagtakbo nito. Nasusunog ang tinatago sa maling kilos na nagmulat sa maraming DDS na nagising at nanghihikayat na tama na ang kabobohan sa anim na taon ng taga Dabaw. Subalit iba mangusap ang sako sakong salapi na inihanda sakaling may magbago ng isip at lumipat. Ang katuwirang minsan lang ang pagkakataon lalo’t salapi ang pinag-uusapan ang malaking bentahe ng nasa poder. Subalit, hindi mabibili ang mga namulat na naghahanap ng tamang pagbabago at kabutihan sa pamunuan.



Sa ngayon, ang butas sa batas ng halalan ang ginagamit ng mga buktot upang manipulahin ang mga taong dapat kausapin ng sagayo’y maging makinis ang takbo ng paghahanda sa halalan. Sa punto ng mga palitan o pag-atras, ang mahigit na 30 araw, ang siyang ginagamit ng mga tampalasan upang mapataas ang tsansa sa ninanais na para sa ’22. Ang masakit, may kumikilos na animo’y negosyo ang halalan na isinusugal ang karapatan para sa darating na pagkakataon sa buhay. Ang maalwan na buhay sa hinaharap ang pinaghahandaan dahil sa nakita ang sarap ng buhay ng mga opisyal ng kasalukuyang pamahalaan.

Ang laki ng takits sa maliit na puhunan na sobra sobra sa pangangailangan. Walang pag-aalinlangan na magbigay daan basta’t masiguro ang buhay sa kinabukasan. Hindi lang ang tuwirang pangangailangan ang nakataya sa halip parang pugita na kasama ang lahat ng aspeto ng buhay, hayahay na buhay.



Sa zarzuela ng bayan, tuloy ang pagpapangap ng mga nagnanais na maglingkod sa bayan subalit hindi maitago ang pagpapangap lalo’t tinatanong ng media sa balakin o plano para sa bansa. Nariyan na ibig ipagpatuloy ang magandang nasimulan ni TK, eh meron nga ba? Nariyan na hindi makikialam sa kaso ng isang kasalukuyang senador na nakapiit dahil sa gawa-gawang kaso. Nariyan na bibigyan ng pwesto si TK bilang kalihim sa ano mang kagawaran na nais nito, eh ngayon nga wala ng nagawa, itatalaga pa. Ito ang pinapanood ng bayan, isang teleserye na madalas na itutuloy at kung pagsawaan doon matatapos, Mang Juan pakinggan ang sinasabi at tasahin ng ‘di maligaw sa pagpili ng tamang lingkod bayan. O ito’y isang kompetisyon na gagawin ang lahat upang madaig ang itatapat na teleserye ng bantulot na taartis, at kung magpasya na tumuloy sa laban. Tiyak na isisilang ang bida na siya ang leading role na kadugo at kasing tulad sa galaw at arte ng magulang mula salita at sa gawa. P***I sapakin ko kayo eh.

Kahit ano ang ikot ng script na sinulat sa kasalukuyang zarzuela madaling basahin kahit ng isang paslit. Walang pagdududa na ang paghahanda’y hingil sa usapin na kinakaharap ni Totoy Kulambo sa pagbaba nito. Ang paghahanda sa halalan ang binibigyan ng panahon upang matiyak ang panalo ng manok na nagpapa-dehado kahit alam na llamado sa regla. Ang bantulot na kalaban ang namataan na hindi pa man naghahayag ng interes sa pagtakbo sa pambansang pwesto’y panay na paninira na tila batid na tatakbo at siyang makakalaban ng mamanukin na nagsumite ng CoC sa pagka alkalde sa lungsod nito. Subalit sa kabilang banda, iba ang tinutugtog, nagpapahiwatig na nandito ako, lumalapit sa inyo na ihalal na alkalde ng bansang ito, ito ang kilos ng IDG, manipis.



Di pa man nagsisimula ang halalan, tila iisa ang kalabang pinaghahandaan ng administrasyon, maging ng pumoposisyon. Manipis ang pagpapangap ng mga kumakandidato na ito’y laban sa kasalukuyang pamahalaan subalit sa kilos at pananalita’y mababatid na pare-pareho ang layunin, ang magapi ang grupo ng tunay na oposisyon na hindi sang-ayon sa nais ni TK. Ang tunay na oposisyon ang tuwirang nagsasaad na nagbibigay hustisya sa mga biktima ng pagmamalabis, pananagutin ang mga gumawa ng pagmamalabis. Alamin ang mga nagawa at pinasukang mga transaksyon na nagpalobo ng utang ng bayan, pananagutin. Alamin ang mga transaksyon na pinasukan na nagdulot ng pagkawala ng mga pondong bayan na dapat na ginagamit sa kagalingan nito, pananagutin. Aalamin ang lahat lahat ng may anomalyang proyekto na sanhi ng paghihirap ng bansa, pananagutin. Bibigyan ng patas na hustisya ang lahat na pinagkaitan. At sa huli ibabangon ang kabuhayan ng bayan at ‘di ng iilan. Di na kailangang pag-isipan ang manipis na laro ng IDG, dahil wala itong lalim at konting panahon na lang ang hinihintay ni Mang Juan upang makamit ang katarungan. Marami ng DDS ang nagising at pagmumulat sa mga dating kasama na naalimpungatan na siyang magwawakas sa bangungot na naranasan ng bayan…

Maraming Salamat po!!!