Advertisers

Advertisers

Pari sa Albay takbo narin sa ’22 polls

0 319

Advertisers

LEGAZPI – Usap-usapan ngayon ang isang Catholic Priest na mula sa bayan ng Bacacay, Albay ang naghain ng kanyang kandidatura sa Comelec para tumakbo bilang Municipal Kagawad sa nasabing bayan.

Sa ulat, 21 taon nang naninilbihan sa simbahan bilang pari si Father Emmanuel Chavez Alparce ng Diocese of Sorsogon bago nagdesisyon na pumasok sa politika.

Samantalang ayon naman kay Father Rex Arjona, spokesperson ng Diocese of Legazpi, wala naman umanong masama sa pagtakbo ng isang pari sa politika ngunit mayroong polisiya na sinusunod ang simbahan.



Ayon sa Code of Canon Law, partikular na sa section 285, nakasaad dito ang pagbabawal sa mga pari na pumasok sa politika, at maging aktibo sa mga politikal na gawain.

Ayon pa kay Arjona, kailangan din mamili ang pari ng isa lamang sa kadahilanan na hindi pwedeng maapektuhan nito ang gampanin.

Mawawalan din umano ito ng kapasidad sa mga ministrial activities tulad ng pagsasagawa ng misa kahit matagal na ito sa serbisyo.

Samanatalang hindi naman umano masama ang pagpasok sa politika ng isang pari dahil sa Bicol Region marami na rin umano ang sumasabak sa iba’t ibang position tuwing eleksyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">