Advertisers

Advertisers

3 pulis swak sa murder sa pagkamatay ng ‘Spanish ‘drugs trader’

0 284

Advertisers

KAKASUHAN ang tatlong pulis kaugnay sa pagkamatay ng isang foreign drug suspect sa Siargao island noong isang taon.

Kinilala ni Prosecutor Honey Delgado ang mga pulis na nahaharap sa kasong murder, planting evidence, at perjury na sina Capt. Wise Vicente Panuelos, S/Sgt. Ronel Azarcon Pazo, at S/Sgt. Nido Boy Esmeralda Cortes. Pinasusumite na ng counter-affidavits ang mga ito bago mag-Oktubre 25.

Sinasabing may kinalaman ang tatlo sa pagkamatay ng Spanish national na si Diego Lapuente, sa isang engkuwentro noong Jan. 8, 2020.



Namatay si Lapuente sa gunshot wounds sa Siargao District Hospital kasunod ng buy-bust operation ala-1:50 ng madaling-araw sa Barangay 3, General Luna, Surigao del Norte.

Kilalang avid surfer ang napatay na may pag-aaring establishments sa isla kung saan siya nakatira ng 2-taon.

Nakuha sa suspek na sinasabing high-value target, ang 10 gramo ng cocaine at automatic pistol.

Sa pahayag, sinabi ni Caraga police director, Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., si Lapuente ay nakipagbarilan sa mga pulis.

Humingi naman ng mas malalim na imbestigasyon ang Spanish government.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">