Advertisers

Advertisers

Barako ng Maynila kandidato bilang Manila Mayor

0 22,945

Advertisers

“Dahil na rin sa kahilingan at matinding paniniwala ng mga kapwa ko Manileño, na magagawa kong masundan, mapantayan o kung loloobin ng Poong Maykapal ay mahigitan ang magagandang nagawa ni butihing Yorme Isko Moreno dito sa ating Lungsod.
Buong pagpapakumbaba ko pong iniaalay sa inyong lahat na kasiyudad ang walang bahid na serbisyo publiko ni dating General Elmer Mejorada Jamias na binansagang ‘Barako ng Maynila’ ng mga kababayan natin, dahil sa nakita nilang katapangan at katapatan ng inyong lingkod sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin bilang pulis-Maynila,” pahayag ni Ret. Gen. Elmer Jamias nang mag-file kamakalawa ng kaniyang COC sa pagkandidato bilang Manila Mayor.