Advertisers

Advertisers

Ex-bgy chairman ibinaon sa talahiban ang pinatay

0 365

Advertisers

NALUTAS na ang kaso ng pagkawala ng 22-anyos na construction worker nang mahukay ang bangkay sa isang talahiban sa Cavite City nitong Huwebes.

Mahigit kalahating buwan mula nang hindi nakita ang biktimang si Ricky Boy Aleman sa kanilang lugar sa Barangay 24, Caridad.

Natunton ng pulis ang bangkay ni Aleman nang iparating sa kanila ng informant gamit ang e-sumbong na may nagbaon ng katawan ng biktima sa Sitio Draga, Barangay 57.
Kinumpirma naman ito ng umaming salarin na si alyas Toy, na nahuli sa buy-bust operation noong Miyerkoles.



Sinabi ni alyas Toy na may kasama siyang ibang lalaki sa pagpatay kay Aleman at pagbaon sa kanyang bangkay na nakagapos.

Ayon kay Lt. Col. Gilbert Cruz, hepe ng Cavite City Police, dating barangay kapitan si Toy na sangkot sa iligal na gawain gaya ng droga.

Ang motibo sa pagpatay ay ang pagsumbong ng biktima sa mga pulis na ninakaw ni Toy ang isang motorsiklo para ibenta ang mga bahagi nito.

Itinanggi naman ni Toy na ninakaw niya ang motor at iginiit na may papatayin din noon ang biktima kaya inunahan na nila.

Humingi si Toy ng paumanhin sa pamilya ni Aleman. Pero itinanggi niya ang bintang na may iba pa siyang pinatay. Pinaghahanap pa ang 2 niyang kasabwat sa krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">