Advertisers
LAGUNA – Isang incumbent city councilor sa Biñan ang inireklamo ng panggagahasa dito sa lungsod.
Sa ipinalabas na ulat ni Police Lt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng pulisya, ang inireklamong opisyal ay si Jose Francisco Ruben Yatco alias “Cookie”, may asawa, ng Barangay Tubigan ng naturang lungsod.
Itinago naman sa alias “Lita” ang biktima, 47 anyos, ng Brgy. Sto. Tomas dito rin sa lungsod.
Ayon sa imbestigador ng kaso na si Capt. Glenn Cuevas, naganap ang pang-aabuso noong nakaraang buwan.
Naghain ng reklamo ang biktima sa Women’s and Children Protection Desk (WCPD) nitong nakaraang linggo. Nakasaad sa salaysay ng biktima na 7:00 ng gabi ng Setyembre 7, 2021 nang makatanggap siya ng tawag mula sa opisyal na magkita sila sa Napocor para mapag-usapan ang posibleng pagiging political leader nito sa darating na eleksiyon.
Mula sa napag-usapang lugar, nagpasiya umanong magtungo si Yatco sa madilim na bahagi ng Mamplasan Exit kasama ang biktima lulan ng kanyang minamanehong van. Dito, tumabi sa kanya si Yatco at inayos ang upuan para komportable ang kanilang pag-uusap. Inilabas pa nito ang nakasukbit nitong baril at inilagay sa gilid.
Ikinuwento umano ng opisyal sa biktima ang problema nilang mag-asawa. At habang nagkukuwento hinihimas umano nito ang maselang bahagi ng katawan ng biktima. Kasunod nito ang pagsasabi ng opisyal na: “Baka puwede ako magparaos kahit isa lang, libog na libog na ako”.
Tumanggi ang ginang at sinabing parang magkapatid na sila at nangangambang baka may makakita sa kanila, subali’t iginiit parin umano ng opisyal ang kanyang interes para aniya makauwi na sila.
Tapos pilit umanong pinasubo sa biktima ang ari ng politiko at sapilitan pang pinalunok ang kanyang katas.
Makaraan nito, sinabihan ito ni Yatco na tumahimik at huwag sasabihin kahit kanino kapalit ang anomang tulong na puwede nitong hingin sa kanya.
Setyembre 20 nang tumawag ang biktima sa opisyal para humingi ng tulong, subali’t ang staff nito ang sumagot at sinabing: “Huwag kana magte-text o tatawag sa kanya kasi may kausap na si Sir na NBI at matataas na tao tungkol sa nangyari sa inyo”.
Ito aniya ang naging dahilan o nagtulak sa biktima para maghain ng demanda sa pulisya laban kay Yatco.
Hindi rin aniya malinaw kung bakit nasabi ng staff ni Yatco na may kausap na itong NBI at matataas na tao tungkol sa nangyari.
Sinisikap ng Police Files Tonite na makuha ang panig ng opisyal hinggil sa kasong ito.
Sa isang post sa kanyang Facebook page nitong Oct. 6, mariing pinabulaanan ng politiko ang lahat ng mga paninira at akusasyon sa kanya. Gusto lamang aniyang sirain ang kanilang pangalan.
“Napakaraming mukha ang politika, marami ang sinisira at.ginagawan ng mga bagay na walang katotohanan,” ani Yatco.(DICK GARAY)