Advertisers

Advertisers

Titser ninakawan na, pinatay pa

0 399

Advertisers

NATAGPUANG duguan at walang buhay sa loob ng kanyang bahay ang isang guro sa Cadiz City sa Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Jessica Ducay, isang guro sa high school.

Ayon sa mga pulis, mag-isa sa bahay ang biktima nang looban ito.



Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, pinagsasaksak ang biktima at pinalo pa ng martilyo sa ulo.

Nakuha sa crime scene ang patalim at dalawang martilyo na ginamit sa krimen. Nabatid din na tinangay ng salarin ang P79,000 cash ng biktima.

Sa tulong ng CCTV ng kapitbahay, nakilala ang salarin na si Deleon del Rosario na pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad.

Nag-aalok ng P50,000 na pabuya ang pamilya ng biktima sa makatutulong sa pagtunton sa salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">