Advertisers
BINAWIAN ng buhay ang isang vice-mayoralty candidate habang naglalakad papuntang municipal comelec office upang maghain ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang nasawi na si Datu Piang Maguindanao reelectionist Councilor Bai Diana Mantawil Mokalid.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Jibin Bongcayao, naglalakad si Mokalid patungo sa tanggapan ng Comelec kasama ang kanyang mga tagasuporta nang bigla itong himatayin.
Naisugod pa ang biktima sa isang pagamutan sa Midsayap Cotabato ngunit binawian ito ng buhay.
Atake sa puso ang posibling dahilan ng pagkasawi ng konsehal.