Advertisers

Advertisers

Babaerong mister 8 years kulong – Korte Suprema

0 472

Advertisers

BABALA sa mga babaerong mister!

Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol na walong taong pagkakakulong sa isang babaerong mister na nakiapid sa ibang babae sa kabila ng pagkakaroon ng legal na asawa.

Sa desisyon ng Supreme Court Third Division, tama ang naging hatol ng Zambales Regional Trial Court na hatulan ng guilty sa paglabag sa Republic Act 9262, Section 5 ang babaerong mister.



Ayon sa Kataas-taasang Hukuman, dumanas ng emotional abuse, kahihiyan, at hirap ng kalooban ang misis na niloko ng kanyang mister matapos nitong itira mismo sa kanilang tahanan ang kanyang kabit.

Bukod sa pagkakulong, pinagbabayad din ang mister ng P100,000 bilang danyos at inatasan na sumailalim sa isang psychological counselling.

Base sa salaysay ng misis, sa loob ng kanilang 23 taon na pagsasama ay lasenggero at babaero ang kanyang mister. Nang mag-away sila noong 2010 ay pinalayas siya ng kanyang mister, at itinira sa kanilang bahay ang kanyang kabit. (Jonah Mallari)