Advertisers

Advertisers

LADY RIDER WALANG LISENSIYA NI-RAPE NG SUMITANG PULIS

0 626

Advertisers

NAGNGINGITNGIT na pinaiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Eleazar, ang pangre-rape ng isang pulis sa isang motorcycle rider sa Pampanga.

Inatasan ni Eleazar ang Internal Affairs Service (IAS) na agad magsagawa ng imbestigasyon base sa reklamong inihain ng biktima.

Kinilala ang inirereklamong pulis na si Staff Sergeant Robin Mangaga, nagmamando sa isang checkpoint sa Mabalacat, Pampanga noong Oktubre 8.



Sa report, hinarang ni Mangaga ang motorsiklong minamaneho ng biktima na itinago sa pangalang ‘Olivia’ sa isang checkpoint sa Mabalacat, 3:00 ng madaling araw ng Biyernes kungsaan papasok sa trabaho ang biktima.

Hinanapan ni Mangaga ng lisensiya si Olivia, pero walang naipakita ito. Aminado ang biktima sa kaniyang pagkakamali.

Hindi naman daw tiniketan ni Mangaga si Olivia, pero in-impound nito ang motorsiklo ng biktima.

Dahil sa kagustuhan na makuha ang motorsiklo at makapasok na ng trabaho, nag-alok si Olivia ng P500 kay Mangaga. Ngunit sinabihan siya ng pulis na panunuhol ang kaniyang ginagawa.

Patuloy daw na nakiusap si Olivia at sinabi niyang handa siyang lumuhod para magmakaawa upang makuha ang motorsiklo.



Pinapasok ni Mangaga si Olivia sa kanyang sasakyan, sinabihang sumakay kung nais parin niyang makiusap. At dinala ito sa motel at doon na nangyari ang panghahalay.

Matapos ang insidente, ibinalik na ng pulis ang motorsiklo ni Olivia, na agad naman humingi ng tulong sa kanyang mga katrabaho upang maghain ng reklamo laban kay Mangaga.

Nagsampa ng reklamong ‘Rape’ si Olivia sa korte laban kay Manganga. Bukod pa rito, nagsampa rin siya ng reklamong administratibo laban sa pulis sa Internal Affairs Office sa Camp Crame sa Quezon City.

Sumuko si Mangaga sa kaniyang mga kabaro, pero tumanggi magbigay ng pahayag.
Nadis-armahan si Mangaga na nasa restrictive custody habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“Inatasan ko na ang IAS na pabilisin ang pag-iimbestiga sa kasong ito at intaasan ko narin ang RD, PRO3 na bigyan ng kaukulang proteksyon ang nagrereklamo at ang kanyang pamilya, kasabay ang paglalagay sa involved na pulis under restrictive custody,” ani ni Eleazar.

Sinabi ni Eleazar na kapag napatunayan na ginawa ni Manganga ang kahalayang ito, tinitiyak niya na matatanggal ang suspek sa serbisyo bukod sa kasong kriminal na kanyang haharapin.

Nanawagan din si Eleazar sa iba pang biktima ng pang-aabuso ng ilang alagad ng batas na lumantad at magsumbong sa mga otoridad upang mapanagot ang mga ito sa kanilang ginawa. (Mark Obleada/Koi Laura)