Advertisers

Advertisers

Sementeryo sa Metro Manila sarado mula Oct. 29 – Nov. 2

0 294

Advertisers

KINUMPIRMA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na isara ang mga pampubliko at pribadong sementeryo sa rehiyon mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ginawa ng mga alkalde ang naturang direktiba para makatulong sa hindi pagkalat ng mga sakit.

“Baka magsabayan na naman tayo, we opted na ‘yung ginawa last year, i-adopt ulit. Instead of going to the cemetery on November 1, ang gagawin na lang natin pumunta na, ngayon pa lang dumalaw na. I-spread na natin sa maraming araw para ‘wag magkahawaan, that is the purpose of this,” ani Abalos.



“If you are going to close it for just one day or two days ganun din ang magiging effect, if you close it on November 1 or November 2 magsisiksikan ng October 31 that is the logic here. I hope maunawaan nating lahat,” ani pa Abalos.

Hinimok ni Abalos ang mga nagbabalak magpunta sa sementeryo na magtungo bago ang Oktubre 29 at pagkatapos ng Nobyembre 2.

Sa mga petsa na bukas ang mga sementeryo, kailangan pa ring sumunod sa health protocols at sundin ang 30% na venue capacity. (Josephine Patricio)