Advertisers

Advertisers

BONG GO: ‘GOOD RESULTS’ NG GOV’T VAX ROLLOUT, ‘DI DAPAT MASAYANG

0 392

Advertisers

HINDI dapat masayang ang magandang resulta ng isinasagawang COVID-19 vaccine rollout ng pamahalaan, ayon kay Senate Committee on Health chairman, Senator Christopher “Bong” Go.

Kaya naman pinuri ni Go ang Duterte administration sa mas pinalawak at mas pinabilis na paggulong ng pagbabakuna at ang magandang bunga nito ay kinakailangang maging consistent upang marating ng bansa ang population protection tungo sa herd immunity at paunti-unting pagbabalik sa normal ng lahat.

Sa kasalukuyan, ay may 87.7 million doses na ang bansa, at ang 50.1 million doses nito ay naibigay o naibakuna na.



Nabatid na higit 26.7 million indibidwal ang nabigyan ng first shots habang nasa 23.4 million ang fully vaccinated.

Para magtuloy-tuloy pa ang supplies, inaasahang darating ngayong buwan ang shipments ng karagdagang 29.4 million doses.

“Kinokomendahan ko ang gobyerno sa kanilang pagsisikap na mabakunahan ang lahat ng mga Pilipino para makamit na natin ang inaasam nating population protection leading to herd immunity. Bilisan pa natin ang rollout at siguraduhin natin na ni isang bakuna ay walang masasayang,” ayon kay Go.

“Marami pang paparating na bakuna sa mga susunod na linggo kaya dapat iturok na kung ano ang mayroon sa mga natitirang essential at vulnerable sectors upang masiguro na walang Pilipinong maiiwan tungo sa ating muling pagbangon,” idinagdag niya.

Sa kanyang Talk to the People address noong Lunes, inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na 77% o 7.5 million ng target population sa Metro Manila ang fully vaccinated na.



Inaasahan ng Pangulo na ang daily rate ng shots ay tataas pa sa mga susunod na buwan kapag binuksan ang vaccine drive sa general population, kinabibilangan ng mga kabataang nasa edad 12 hanggang 17.

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 85% ng populasyon saMetro Manila at palawakin ang vaccine rollout sa mga kritikal na lugar sa Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal sa katapusan ng Oktubre.

At para mamantina ang pagbaba ng trend ng arawang kaso, ipinaalala pa rin ng senador sa publiko na patuloy na maging maingat at huwag magpakakampante para hindi masayang ang pagsisikap ng lahat, lalo ng mga healtrhcare workers.

“Kung patuloy na bababa ang bilang ng magkakasakit at tataas naman ang bilang ng bakunado, mas mabilis pa nating maibabangon ang ating ekonomiya at mas makakabalik na tayo sa normal na pamumuhay pagdating ng panahon,” ayon kay Go.