Advertisers

Advertisers

Covid update: 3,656 bagong kaso; 228 gumaling; 5 nasawi

0 242

Advertisers

BUMABA pa sa 3,656 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Oktubre 20.

Samantala ay mayroon namang naitalang 228 na gumaling at 5 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.5% (67,061) ang aktibong kaso, 96.1% (2,627,331) na ang gumaling, at 1.50% (40,977) ang namatay.



Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 18, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.5% sa lahat ng samples na naitest at 1.2% sa lahat ng positibong mga indibidwal. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)