Advertisers

Advertisers

Hirit ng transport group na P12 pasahe malabo – LTFRB

0 231

Advertisers

INIHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na malabong mapagbigyan ang hiling ng mga transport group na P12.00 na minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeep.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, mismong si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ay sinabi na kung maaari ay huwag munang magtaas ng pamasahe.

Dagdag pa ni Delgra na naiintindihan nila ang pasanin ng mga driver ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis subalit labis na maapektuhan dito ay ang nakararaming mga mananakay.



Inirekomenda na lamang ng DOTR na taasan na lamang ang kapasidad ng mga isasakay ng mga pampasaherong jeep imbes na magtaas ng pamasahe.

Matatandaang naghain ng petisyon ang mga grupo ng jeepney ng dagdag pamasahe dahil sa lingguhang pagtaas ng presyo ng langis.