Advertisers

Advertisers

DILG kakasuhan at ipapa-disqualify mga kandidato na sumusuporta sa komunista

0 202

Advertisers

NAGBANTA si Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na kakasuhan at ipapadiskwalipika ang mga kandidato sa 2022 national at local elections na sumusuporta sa mga komunistang grupo.

Ayon kay Año, mahigpit na ipinagbabawal sa mga kandidato na sumuporta sa mga grupo na kabilang sa enemies of the state – tulad ng Abu Sayyaf Group and the Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Anumang suporta, kabilang na ang pinansyal, materyal at political support ay labag sa ilalim ng Republic Act No. 10168 or the Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 at sa ilalim ng Omnibus Election Code kung saan maaring madiskwalipika ang isang kandidato.



“Nakahanda ang DILG na magsampa ng kaso upang i-disqualify ang kandidatong mapatunayang nagbabayad o nagbibigay ng anumang uri ng suporta sa mga teroristang grupo oras na magsimula ang ating campaign period sa 2022 elections,” ani ng kalihim. (Jonah Mallari)