Advertisers

Advertisers

Mandatory inspeksyon sa PMVICs suspendido pa rin – LTO

0 219

Advertisers

KINUMPIRMA ng Land Transportation Office (LTO) na suspendido pa rin ang mandatory inspection ng mga sasakyan sa private motor vehicle inspection centers (PMVICs).

Ginawa ni LTO chief Edgar Galvante ang pahayag kasunod ng ulat na natanggap sa Senado na may ilan ng PMVICs sa mga probinsya ang nagpapairal ng mandatoryong motor vehicle inspections.

Nilinaw ni Galvante na may opsyon pa rin ang mga may-ari ng sasakyan kung nais nilang ipa-test ang kanilang mga sasakyan sa mga PMVIC o sa isang private emission testing center (PETC).



Matatandaan na noong Agosto iniutos ni Transportation Secretary Tugade ang suspensyon ng mandatory inspection at testing ng mga sasakyan sa mga PMVIC. (Josephine Patricio)