Advertisers
NASA P1 bilyon ang ibinigay na pondo ng pamahalaan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para itulong sa mga drayber sa gitna na rin ng pagsirit ng presyo ng oil products.
Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC), ang naturang pondo ay magsisilbing cash grant sa halos 180,000 PUV drayber hanggang sa susunod na buwan bilang bahagi ng Pantawid-Pasada Program ng LTFRB.
Kukuhanin ang naturang pondo sa fiscal year 2021 unprogrammed appropriations sa ilalim ng Support for Infrastructure Projects at social programs.
Ngayong araw ikinasa ang ika-9 na sunod na linggong oil price hike. (Josephine Patricio)