Advertisers

Advertisers

DUTERTE UNA PARIN SA SURVEY, VELASCO KULELAT ULI!

0 286

Advertisers

MULING nangulelat si House Speaker Lord Allan Velasco sa ‘trust rating’ survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc.

Nakakuha lamang si Velasco ng 12.067 porsyentong high trust rating at 35.8 porsyentong low trust rating.

Ang nakuha ni Velasco sa survey na isinagawa sa pagitan ng Oktubre 11 – 18 ay mas mababa pa sa kanyang mga nakuha sa mga naunang survey ng Publicus.



Sa second quarter survey ngayong taon na isinagawa mula Hulyo 13-19, si Velasco ay nakakuha ng 13.93% high trust rating at 36.27% low trust rating.

Sa first quarter survey naman ngayong 2021 na isinagawa mula Marso 20 – 29 ay nakakuha si Velasco ng 14.53% high trust rating at 35.33% low trust rating.

Sa huling survey ng Publicus noong 2020, nakakuha si Velasco ng 18.13% high trust rating at 30.20% low trust rating.

Sa October 2021 third quarter survey, nakapagtala si Pangulong Rodrigo Duterte ng 52.93% high trust rating at 23.6% low trust rating. Sumunod sa kanya si Vice President Leni Robredo na may 22% high trust rating at 46% low trust rating.

Si Senate President Tito Sotto ay nakakuha ng 19.8% high trust at 35.2% low trust rating, samantalang si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ay nakapagtala ng 14.6% high trust rating at 29.6% low trust rating.



Walang nagkomisyon sa Publicus upang gawin ang survey na may 1,500 respondents.