Advertisers

Advertisers

Itinutulak ni Ping! ‘PUJ ARKILAHIN NG GOBYERNO SA LIBRENG SAKAY!’

0 242

Advertisers

GAMITIN ang mga pampasaherong dyip sa programang libreng sakay ng gobyerno ngayong panahon ng pandemya upang matugunan ang kawalan ng kita ng mga tsuper.

Ito ang isang nakikitang solusyon ni Partido Reporma chairman at 2022 Presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson sa patuloy na paghihikahos ng sektor ng transportasyon bunga ng patuloy na limitasyon na pinaiiral ng gobyerno sa pagpasada ng mga PUJ dahil sa pandemya.

“Bakit hindi gamitin ‘yung libreng sakay sa jeepney na isu-subsidize ng gobyerno?”, banggit ni Lacson sa mga tsuper na miyembro ng grupong Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa bahagi ng CALABARZON sa kanyang pakikipag-usap sa mga ito.



Si Lacson at ang mga kinatawan ng nabanggit na grupo at mga kaalyado ay nagpalitan ng ideya sa pamamagitan ng isang konsultasyon sa lungsod ng Lipa sa Batangas, kungsaan lahat ng mga dumalo ay sumailalim muna sa swab testing upang matiyak na COVID-free ang mga ito.

Sa kasalukuyan, bagama’t may libreng sakay program ang Department of Transportations (DOTr), mga malalaking kumpanya ng bus at asosasyon ng modern jeepneys ang kinontrata ng ahensiya.

At bagama’t pinapayagan naring bumiyahe ang mga tradisyunal na PUJ sa ilang lugar, wala rin halos sumasakay dahil mas pinipili ng mga mananakay ang libreng sakay na sinusubsidiya ng pamahalaan.

Binalikan din ni Lacson ang ilang usaping nakarating sa kanyang tanggapan sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso tungkol sa pagmamadali ng pamahalaan na alisin sa mga kalsada ang mga tradisyunal na dyipni.

“Napakamahal ‘nung jeepney, ‘yung pagpapalitin na jeepney. Hindi namin po inaprubahan ito sa Senado. Sinabi namin kailangang pag-aralan ng masusi kasi hindi kakayanin ng mga driver at ano ang gagawin doon sa mga jeepney na namamasada pa?”, banggit ni Lacson.



Hanggang sa ngayon ay nanatili, aniya, na nakabitin ang nabanggit na usapin.

“Hindi po na-resolve ‘yung isyu na ‘yon dahil ‘yung napakarami naming katanungan sa DOTR, hindi nila nasasagot kasi maraming na-displace, lalo na ngayong pandemya,” ayon pa kay Lacson.