Advertisers

Advertisers

4.25M Pinoy walang trabaho – PSA

0 426

Advertisers

UMABOT na sa 4.25 milyon ang bilang ng unemployed sa bansa sa nakaraang buwan.

Ayon sa latest Labor Force Survey na inilabas ng Philippine statistics Authority (PSA) nitong Huwebes, Nobyembre 4, umakyat sa 8.9% ang unemployment rate o katumbas ng 4.25 million jobless na Pilipino noong buwan ng Setyembre kumpara sa datos noong Agosto na nasa 8.1%.

Nasa kabuuang 6.18 million naman ang mga underemployment o bahagyang mas mababa kumpara sa 6.48 million sa nakalipas na buwan.



Ang kabuuang employment rate naman noong Setyembre umabot ng 91.91% o 43.59 million mas mababa kumpara noong Agosto. (Josephine Patricio)