Advertisers

Advertisers

Kapag na-disqualify si BBM, nandiyan si Imee

0 551

Advertisers

KABADO ang kampo ng presidential aspirant Bongbong Marcos, kilala sa tawag na “BBM” ng kanyang supporters.

Ito’y matapos mahalungkat ang tax evasion case ni BBM kungsaan siya’y na-convict noong 1995 ng Quezon City RTC. Pinagtibay ito ng Court of Appeals at hindi na raw inapela ni BBM sa Korte Suprema.

Pero ang sagot dito ng isa sa mga abogado ni BBM na si Larry Gadon, isang senatoriable, na-dismiss na ang kasong ito ng Korte Suprema.



Sabi rin ni Atty. Vic Rodriguez, abogado rin ni BBM, ang disqualification petition ay “predictable nuisance”.

Mas maganda sana kung ipakita ng kampo ni BBM ang resibo ng dismissal order ng Korte Suprema sa kaso para close agad ang isyung ito at hindi mag-alala ang kanyang supporters. Mismo!



Ang mga nag-petition para kanselahin ang kandidatura ni BBM ay ang grupo ng mga pinahirapan (political prisoners at human rights groups) noong martial law ng yu-maong ama ni BBM na si diktador Ferdinand Marcos.

Dahil sa petition na ito, na malamang bubusisiin ng husto ng Comelec, ay naghahanda narin ang kampo ni BBM sa anumang posibleng mangyari.



Isa kasi sa mga basehan ng disqualification sa isang kandidato ay ang conviction sa kasong may penalty na hindi bababa sa 18 months at pinagtibay ng Korte Suprema, sabi ni Comelec spokesman James Jimenez.

Sakaling ma-disqualify nga si BBM, nakahanda raw ang ate na si Senador Imee.

Hindi lang natin alam kung ang bango ngayon ni BBM sa masa ay maging bango rin ni Imee.

Say nyo, BBM nation?

***

Bakit ngayon lang nahalungkat ang kasong ito ni BBM, samantalang kumandidato na siyang Vice President noong 2016?

Well, ganyan po talaga mga ripapips. Kapag ikaw ay tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa politika at winnable, talagang hahalukayin ang bituka mo, sisilipin ang lahat ng butas na ikasisira ng iyong pangalan.

Sino-sino na bang presidentiables ang nawasak nang manguna sa mga survey after Ramos administration?

Una, si late Afredo Lim noong 1998. Inakusahan siyang isang Chinese citizen. Laglag!

Sumunod si Vice President Jojo Binay. Nasilip ang kanyang “hidden wealth” na nakamal daw niya noong mayor ng Makati City.

Then si Senador Grace Poe, inakusahan American citizen, walang citizenship dahil napulot lamang sa Simbahan.

Si President Rody Duterte muntikan narin. Kung napaaga-aga ang kanyang pagdeklara sa pagka-pangulo noong 2016, malamang nagaya siya kay Binay. Late na kasi nang ibunyag ni noo’y Sen. Antonio Trillanes ang “hidden wealth” ni Digong na natuklasang may bilyones sa mga bangko na nakamal niya noong alkalde ng Davao City.

Kaya dapat kapag kakandidato ka sa pinakamataas na posisyon, tiyakin mong wala kang nakatagong masamang sekreto sa buhay, kundi mawawakwak ka at maari pang ma-disqualify.

***

Sabi ng BBM supporters, kapag na-disqualify ang kandidato nila, pupunta sila sa kalye. Ayaw daw nila kay Imee. BBM lang sila. Paano nga kung ma-disqualify?

“Kay Isko nalang kami”. Yun oh!!! Hahaha…