Advertisers

Advertisers

26% palang ang fully vaccinated sa mga Pinoy

0 272

Advertisers

PUMALO na sa 28.72 milyong Pilipino ang fully vaccinated na kontra COVID-19 magmula noong Marso nang unang gumulong ang bakunahan sa bansa.

Ang bilang na ito ay katumbas sa 26.34 percent ng populasyon sa Pilipinas.

Subalit malayo pa rin ang bilang na ito sa 90 million na sinasabi ng mga health authorities na kailangan mabakunahan kontra COVID-19 upang sa gayon ay magkaroon ng herd immunity sa Pilipinas.



Base sa datos ng pamahalaan hanggang noong Nobyembre 4, natukoy na 33.76 million Pilipino o 30.96 percent ng populasyon ang naturukan ng first dose.

Ang daily average naman ng naituturok na bakuna sa huling pitong araw ay aabot sa 608,878, malayo sa 1.5 million shots na target ng gobyerno na maituturok sa kada araw.