Advertisers

Advertisers

SENIORS, MINORS PUEDE NANG SUMAKAY SA PUVs

0 222

Advertisers

PINAPAYAGAN na ang mga menor de edad at mga senior citizen na sumakay ng public transportation sa mga lugar na nasa ilalim ng Covid-19 Alert Level 2, kinumpirma ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos

Ayon kay Abalos, wala ng age restrictions sa interzonal at intrazonal travel batay sa rules ng Inter-Agency Task Force Against COVID-19.

Sinabi ni Abalos na batay sa kanilang pag-uusap ni DOTr Usec. Steve Pastor, nagkaroon lamang ng miscommunication sa IACT (Inter-Agency Council for Traffic) pero maaaring pasakayin sa mga public transportation ang mga matatanda at bata.



Pinapayagan na rin makapasok sa mga malls sa Metro Manila ang mga bata.

Kinumpirma naman ng Department of Tourism na pinapayagan na rin ang staycation sa ilalim ng Alert Level 2.

Ngayong nasa Alert Level 2 ang Metro Manila, maaari ng lumabas ang mga bata at magtungo sa mga mall, regardless sa kanilang vaccination status.

Nitong nakalipas na mga linggo, sinimulan na ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga bata na may edad 12 anyos hanggang 17-anyos.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">