Advertisers
MARIING kinontra ni Vice President Leni Robredo ang plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na huwag ibigay ang ayuda ng mga 4Ps beneficiary na ayaw magpabakuna.
Ayon kay Robredo, sa halip na takutin ang mga 4Ps beneficiary ay mas maige na alukin sila ng insentibo upang mahikayat na magpabakuna.
Aniya, maraming solusyon na hindi kailangan ng pwersahan, at kailangan lang mabigyan ng katiyakan ang mga magpapabakuna na sakaling lagnatin matapos mabakunahan ay may tulong na matatanggap sa gobyerno.
Magugunitang sinabi ni DILG Spokesman Usec. Jonathan Malaya na pinag-aaralan na ang pagpapatupad ng “No Vaccine, No Subsidy” matapos malaman na karamihan sa mga 4Ps beneficiary ay ayaw magpabakuna.
Paliwanag ni Malaya, ang 4Ps ay conditional cash transfer na nangangahulugan na may ilang kundisyon na dapat gawin upang maibigay ang subsidy, at maaring idagdag na kundisyon dito ng gobyerno ay ang pagpapabakuna. (Jonah Mallari)