Advertisers

Advertisers

Marian babalik sa paggawa ng serye kung sina Lloydie at Bea ang kasama; Kris nagmukhang matanda sa kapayatan

0 209

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

WALANG  kagatul-gatol na inihayag ni Marian Rivera, ang Primetime Queen ng GMA-7, na sakaling makakatrabaho niya ang mga bagong Kapuso stars na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, aprub sa alright naman sa esmi ni Dingdong Dantes.

Wala naman daw masamang tinapay para kay Marian para tanggihan kung sino ang makakasama niya sa work.



Matatandaan na 2017 pa ang huling serye ni Marian na Super Ma’am till 2018 at di na nga nasundan ito.

Siya dapat ang leading lady sa First Yaya pero nga tinanggihan nito dahil nga sa lock in taping.

Knows naman ng lahat na priority ni Marian ang dalawa nitong kiddos na sina Zia at Sixto.

Di nga raw nito kaya na mawalay sa dalawang anak lalo na’t inaabot ng isang buwan ang lock-in taping.

Okey na rin siya sa kanyang Tadhana at host na umabot na ng 4 years na work from home lang ito sa direksyon ng mister na si Dingdong.



Pero tila nabago ang timpla na if ever na may project kina Bea at Lloydie ay go lang daw si Marian.

Dahil sino ba naman siya para tumanggi sa isang Lloydie at Bea if ever magkaroon sila ng project together.

***

FINALLY found someone na nga raw ni Kris Aquino, ang tunay na magmamahal sa kanya na si Mel Sarniento.

Kahit naman si Mel ay ipinagwagwagan na si Kris na ang kanyang forever.

Sa pag-attend nila ng kasal ay na stop over ang dalawa kaya naman tumigil muna sa isang fastfood chain.

Inamin ni Kris na first date nila ng kanyang bagong lovey dovey na si Mel.

May caption pa nga si Krissy na ‘masarap pala maging normal ang buhay’ saad pa nito sa kanyang post with pics na naka-gown si Kris at nakabarong si Mel.

Pero may mga negatibong komento na tila tumanda na raw si Kris.

Dahil nga raw siguro sa kapayatan nito na dahilan ng kanyang pagiging looking old.

Pero may mga komento naman na magaganda  kay Kris. Mas lamang nga lang ang mga negatibong nakapansin na pumayat at nagmukha na nga raw itong matanda.

Naikumpara pa nga kay Gretchen Barretto na nung pumayat din ay nagmukhang matanda rin ang peg.

Well, well, well…’Yun na!