Di pa pala ok ang 2… Marian humirit ng 1 pang anak; Paolo dating kuya lang ni Heart, leading man na ngayon
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
GRABE naman ang pagkabilib ni Paolo Contis sa kanyang leading lady sa bagng romcom na pagsasamahan nila ni Heart Evangelista.
Bumilib si Paolo sa pagiging lider ni Heart na magaan at mabilis ang trabaho.
Gulantang din si Paolo dahil nakita nito ang pagiging professional ni Heart pagdating sa work.
Si Richard Yap naman ay talagang pinangarap na makasama si Heart sa serye at eto na nga ‘yun, ang ILMHIS.
Dream come true nga raw ito para sa kanya na makasama si Heart sa work.
Samantala, si Paolo ay nagbalik tanaw noon nang makasama nito sa project si Heart sa ‘Trip’ nung 2001.
Naalala pa ni Paolo na kuya siya ni Heart sa project na yun at ngayon ‘di makapaniwala na leading lady na niya ito sa bagong serye ng Kapuso.
***
Marian, okey na ang dalawang kiddos pero humirit pa ng isa
KUNG pagbubuntis lang ang pag uusapan ay keri bell boom-boom pa ni Marian Rivera.
Matatandaan nga noon na maraming anak ang gusto niya dahil nag-iisa lang siya at walang kapatid.
Aba, tila nadama ni Marian na mahirap ang mag-alaga ng bata.
Hands on kasi si Marian sa pagiging motherhood kina Zia at Sixto.
At naramdaman niya talaga na hindi ganun kadali ang pag-aalaga ng anak.
Kung kay Marian na nabago ang ihip ng hangin ay okey at ubra na sa kanya ang dalawang anak.
Tila nilunok na nito ang kuda na gusto nitong maraming anak.
Aprub naman kay Dingdong Dantes kung dalawa lang ang kanilang anak at okey sa alright na para sa mister.
Pero humirit ang Tadhana host na ubra pa naman daw ang isa pang anak.
Kaya i-expect na magkakaroon pa ng isa pang kapatid sina Zia at Sixto.
Well, well, well…’Yun na!