Advertisers
Kahanga-hanga talaga ang likas na ugali ni Senator Bong Go.
Nakita natin ito nang direkta nitong ilabas ang kanyang sama ng loob sa pasinayang kanyang dinaluhan sa opening ng latest Malasakit Center sa nasabing lugar.
Naiyak sa sobrang sama ng loob ang senador sa bungad ng kanyang speech nang isapubliko nito ang nararamdaman sa mga posibleng mangyari sa kanyang kandidatura in the coming days.
Nagbigay ng hint si Go na posibleng umatras ito sa kanyang kandidatura sa vice presidential race.
Ito ay makaraan ang di inaasahang paggalaw ng magkapatid na Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Mayor Inday Sara Duterte ng Davao City araw ng Martes (November 9).
As we all know, Baste Duterte is now the official candidate of Hugpong Ng Pagbabago (HNP) for Mayor of Davao City replacing Mayor Inday who withdrew her COC for her supposedly 3rd and last term as local chief executive of the city.
Sa galawang ito, maraming espekulasyong kakandidato na si Mayor Inday Sara sa national position kung saan, may malaking posibilidad na magkabangga sina Go at Sara sa vice presidential derby.
Sa nasabi ring event sa Antipolo, malinaw na tinuran ni Go na bagamat napaghandaan na niyang mabuti ang kanyang seryosong pagtakbo sa pangalawang panguluhang halalan, laan itong magbigay-daan sa presidential daughter sakali mang magdesisyon nga itong tumakbo bilang bise presidente alang-alang sa pagmamahal at respeto ng senador sa ama nitong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Bahagi po ng speech ni Sen.Go ay ating ilalabas entoto ngayon dito sa ating pitak;
“Magulo ang pulitika”.“Itong kandidatura ko bilang bise presidente ay maaring magbabago. Hindi maiwasan may mga changes sa pulitika na sabi ko nga, napakadumi.”
“Maaring may magbabago sa mga tatakbong posisyon sa mga darating na araw, ang problema po d’yan kailangan kong umiwas, gustuhin ko man magsilbi sa inyo bilang bise presidente dahil sa kagustuhan ng ating mahal na Pangulo, kailangan ko pong umiwas, malalaman n’yo po ‘yun sa mga darating na araw.”
Nakita po natin ang pagiging tunay na tao sa kabila nang pagiging ala-Superman ng senador as in super sipag at super masigasig sa pagta-trabaho at pagseserbisyo sa mamamayan nang di nito mapigilan ang paggaralgal ng kanyang boses nang ianunsiyo nito ang balita at senaryong mangyayari sa mga darating ngang mga araw.
Bakas ang itinatagong hinanakit at kirot sa dibdib.
At napagtanto na rin natin na ang tagpong ito sa Antipolo ang sumukat sa katatagan ng senador at sa katapatan nito kay Tatay Digong.
Dahil after all the things that were said and done, present po ang mahal nating idol sa regular na People’s Address ng Pangulong Duterte sa Malacanang ng gabi ring ‘yun.
Di man natin tiyak, maaring nagkausap na ang Pangulong Digong at ang kanyang “most trusted man” na si SBG.
Mukhang naplantsa na ang mga di pagkakaintindihan.
Our heavy heart goes with Sen. Go dahil di po biro ang kanyang ginawang “supreme sacrifice”.
Hindi po kanyang sarili ang iniisip ng senador kundi ang libu-libo nitong mga taga-suporta na hindi nag-atubiling samahan siya sa loob ng 38 araw nito bilang kandidato sa pagka-bise presidente.
Mga supporters na sa hirap at ginhawa ay laging nasa tabi lamang ng senador, day in and day out.
We truly understand what SBG feels inside kahit pa nga ba from the very start ay may “inside knowlegde” na siyang posible itong mangyari long before Inday Sara withdrew her COC for mayor of Davao City.
Open book naman sa lahat, that both Go and Sen. Ronald “Bato” dela Rosa were out there not for themselves to battle it out in the coming May 8,2022 elections but rather for the best interest of their supporters and the Filipino people in general na nagnanais ng “continuity” sa uri ng pamamahalang sinimulan ni Pangulong Digong.
Kung ano pa mang mga kaganapang mangyayari sa mga darating na araw, sinasaluduhan na po natin ngayon ang ating idol na si Sen. Bong Go at si Sen. Bato dela Rosa for being a true and loyal men of Pres. Duterte.
LOYALTY and RESPECT exemplified!
Mabuhay po kayo Sens. Bong Go and Bato dela Rosa, true-blue and honest-to-goodness team players of Duterte administration.
And as the saying goes, soldiers never die, they just fade away!
Again,my salute to both of you gentlemen!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com
Ugaliin rin makinig at sumubaybay sa REALIDAD Online. Monday to Friday 4pm to 5pm over Elizalde Broadcasting.