Advertisers

Advertisers

BONG GO: UNAHIN ANG PINAKAMAHIHIRAP

0 193

Advertisers

MULING iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang apela sa pamahalaan na pagkalooban ang mga kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng cash incentives, imbes na piliting magpabakuna, upang makatulong sa pagpapalobo ng vaccination rate sa hanay ng pinakamahihirap sa mahihirap.

“Hindi puwedeng may maiwan sa ating muling pagbangon, lalo na ‘yung pinakamahihirap at pinaka-nangangailangan. Sa dagdag ayuda na ito, matutulungan po natin sila sa kabuhayan, makapagliligtas pa tayo ng buhay at mapabibilis ang pagbalik natin sa normal na pamumuhay,” ani Go.

“Sa palagay ko, sa halip na gawing mandatory ang vaccination, dapat palakasin na lang natin ang panghihikayat sa ating mga kababayan na magpabakuna,” idinagdag niya.



Ang panukala ni Go ay dapat mabakunahan ang mga kuwalipikadong miyembro ng 4Ps household para makatanggap sila ng karagdagang insentibo.

“Nanawagan ako kay Pangulong (Rodrigo) Duterte na magbigay tayo ng cash incentives para maengganyo ang 4Ps members na magpabakuna. Government should reach out to them. Naghihirap na ang ating mga mahihirap na kababayan; huwag na natin silang pahirapan o pilitin pa. Tulungan at ipaintindi na lang natin sa kanila bakit mahalaga ang bakuna. Kung kailangang suyurin, suyurin natin,” anang senador.