Advertisers
TUMANGGAP ng matinding suporta mula mga kilalang religious at civic groups ang Buhay Party List sa isang dinner na ginanap para sa may 700 katao sa Rizal Park Hotel.
Sa nasabing pagtitipon ay tinanggap ng Buhay Party List ang suporta mula sa Missionary Family of Christ, isang Catholic lay organization na may chapters worldwide. Nakipagharap si Bro. Frank Padilla, servant general ng MFC kay Deputy Speaker at Congressman Lito Atienza na siyang nagtatag ng Buhay Party List at kasalukuyang kinatawan sa Congress.
Kabilang din sa nagbigay ng suporta ay ang Live Christ Share Christ (LCSC) Movement sa pamumuno ni Bro. Narsing Egiua, National Coordinator. Ang LCSC ay involved sa mga campud based program sa pangunguna ng Live Pure Movement at nakapagpastol na ng daanlibong kabataan sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Ang mga leaders at members ng iba’t ibang Rotary Club chapters ay naroon din sa pagtitipon upang bigyan ng suporta ang Buhay Party List first nominee na si Von Valdepeñas na isang prominenteng Rotarian. Kabilang din sa mga dumalo ay ang Friends of Divine Mercy servant leader, Rene Tumang at ang kanilang mga community leaders,
Goodwill Industries (PWD Sector) President Jun Bermas at Secretary General Al Bermas, at ang kinatawan mula sa General Parents and Teachers Association (GTPA), na nagpahayag din ng kanilang suporta sa Buhay Party List.
Sì Von Valdepeñas ay isang businessman, politician at service-oriented volunteer. Binabalanse niya ang kanyang oras sa pamamagitan ng social entrepreneurship. Ang simula ng pagkakawanggawa ni Von ay dahil sa impluwensya ng Ateneo, gayundin ng kanyang father in law na si Deputy Speaker at dating Mayor of Manila Lito Atienza na kilalang matapang na tagapagtaguyod ng prolife, pro-Catholic movement at nagsilbing inspirasyon kay Von na maging matatag at totoo sa kanyang prinsipyo.
Dala ng kababaang loob na naging gabay niya bilang isang councilor sa laguna, ang kanyang socio-civic organizations ay kinabibilangan ng JCI, president ng Rotary Aseana at Director Buhay Partylist. Nagawa ni Von na ituon sa kawanggawa ang kanyang kultura ng kanyang kumpanya.
Sa kasalukuyan, siya ang may-ari ng V1 Corporation, isang kumpanyang nago-operate sa industriya ng real estate, transportation, construction at kalakalan. Mayroon din siyang suporta sa pagsagip sa kapaligiran at iba pang Non-Government organization na ang layunin ay paramihin ang paglikha ng trabaho.
Ipinamalas din ni Von ang kanyang paviging selflessness sa pamamagitan ng kanyang debosyon sa publiko sa pakikipagtulungan sa kanyang maybahay na si Chi Atienza Valdepena at sa bahay-ampunan nito na Home for the Angels, na mahigpit na tinututukan at inaaruga ang mga street children, LA dance troupe at senior citizen P.O.
Masigasig din sa pag-attend ng rallies kontra sa death penalty at extrajudicial killings si Von. Isa sa mga personal programs niya sa Laguna ay kinabibilangan ng anti-drug campaigns, sports programs, job fairs and trainings and seminars para sa mga kabataan.
Noong 2019 tinanggap niya ang trabaho bilang fulltime President ng Goodwill Philippines, na nagtataguyod sa mga PWDs. Tinanggap ni Von ang nasabing posisyon ng walang sweldo at tanging mga kapwa volunteers lamang ang kasama sa pagtataguyod ng Goodwill Philippines.
Ngayong taong ito, si Von Valdepenas ay nahalal bilang 1st Nominee for Buhay Partylist.
Nahalal din bilang 2nd Nominee si Mark Brian Paz na isang prominente at batang businessman at philantropist. Itinataguyod niya ang karapatan ng mga manggagawa at ang mga kaukulang benepisyong dapat na matanggap ng mga ito.
Third Nominee naman si Xavy Padilla na isang aktibong lider ng MFC at LCSC. Siya ay suportado ng kanyang pamilya at mga kaibigan mula sa Catholic community. Siya ay kasalukuyang Board Member ng Sangguniang LAIKO ng Pilipinas.