Advertisers
Susuportahan ng United Lights of Pangasinan (Ulopan) ang kandidatura nina Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa May 2022 elections.
Sinabi ni Businessman at Ulopan president Emilio De Guzman na dadalhin at susuportahan ng Pangasinan-based group si Go na kandidatong pangulo at si Duterte-Carpio bilang pangalawang pangulo sa halalang 2022.
Si Go ay tumatakbo sa ilallim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan party habang Davao City mayor ay sa ilalim ng Lakas-CMD.
Ineendorso rin ng Ulopan ang senatorial bids ni Pangulong Rodrigo Duterte at dating Public Works and Highways secretary Mark Villar.
Nauna na ring inendorso ni Pangulong Duterte sina Go at anak na si Sara para sa 2022 polls.
Ang Ulopan ay may mahigit 100,000 volunteer-members sa vote-rich province ng Pangasinan.
Ito ay itinatag ni Secretary Raul Lambino sa Mangaldan town noong 2014 at nakarehistro bilang non-stock at non-profit organization sa Securities and Exchange Commission.
Si Lambino ay kasalukuyang Presidential Adviser for Northern Luzon.
“Prominent Pangasinenses have already established Ulopan chapters in different provinces in Northern and Central Luzon including Metro Manila,” sabi ni De Guzman.
Ipinaliwanag niya ang misyon ng Ulopanay magbuo ng polisiya, develop projects at programs, maghimok ng volunteerism, unity, solidarity at teamwork, at makilahok sa mga aktibidad na makatutulong para sa kapakanan oo dekalidad na buhay ng mga sambayanang Filipino, partikular ng mga taga-Pangasinan.
Kumbinsido si De Guzman na ang lumalaking kasapian ng grupo sa iba’t ibang lugar sa bansa ay makapagbibigay ng substansiyal na boto sa isang kandidato sa darating na halalan.