Advertisers

Advertisers

“Tapos na ang panahon ng elitista. Basurero naman ngayon.” – Isko

0 223

Advertisers

“KUNG nangyari sa akin, puwede ding mangyari sa mga anak ninyo… Tapos na ang panahon ng mga elitista. Basurero naman ngayon.”

Ito ang pahayag ni Manila Mayor at Aksyon Demokratiko presidential bet Isko Moreno nitong weekend sa kanyang pagbisita sa Payatas, Quezon City, kung saan nakipagkita siya sa mga residente na ang tanging ikinabubuhay ay ang pagbubungkal ng basura.

Si Moreno ay sinalubong nina Councilor Irene Belmonte at Barangay Chairman Manny Guarin, na sa kanyang pagpapakilala kay Moreno ay tinawag niya itong “the basurero ng Maynila meets the basurero ng Payatas.”



Sa kanyang mensahe, sinabi ni Moreno sa mga residente ng Payatas na huwag mawalan ng pag-asa at ipinangako niya na iaahon ang mga ito sa hirap kapag siya ang nahalal na presidente ng bansa.

Sinabi pa ng alkalde sa mga residente na kung talagang nais nilang magkaroon ng tunay at matapat na pagbabago ang maganap sa kanilang buhay sa tulong ng gobyerno, dapat ay matutunan nila kung paano ang mag-‘invest’.

“ Kayo naman ang mamuhunan sa kandidato. Piso lang. Paki-text ninyo ang inyong mga kaanak, jowa, ex at kaibigan. Laban natin ito. Ang gobyerno kayang pataasin ang antas ng buhay ng mga tao at ‘yan ang aking gagawin para sa inyo,” sabi ni Moreno, na lumaking nagbubungkal ng basura sa Smokey Mountain saTondo na counterpart ng Payatas.

Ipinangako ni Moreno ang magandang kinabukasan para sa mga kabataan sa ngayon sa pamamagitan ng mabuting pamamahala at upang mabigyan ang mga mahihirap ng pagkakataon na makapagtrabaho.

“Mahirap ang buhay… di tayo pinagpala na magkaroon ng magulang na may gintong kutsara sa bibig pero di ibig sabihin na balewala na tayo sa lipunan. Sa katunayan, dapat ang pamahalaan ay me konting kiling sa inyo,” giit ni Moreno.



Binigay na halimbawa ni Moreno ang kanyang karanasan at sinabing mahirap ang kanyang mga magulang pero hindi sila sumuko at pilit siyang iginapang.

“Wag mawawalan ng pag-asa sa anak. Ang tatay at nanay ko katulad din ninyo pero di sila sumuko. Eto ko ngayon sa harapan ninyo. Okay lang mahirap tayo ngayon pero di kailangan na ang mga anak natin ay maging mahirap din sa hinaharap. Kung napagtagumpayan ko, maari ding mapagtagumpayan ng mga anak ninyo,” ayon pa kay Moreno.

Idinagdag pa niya na :“Kapag ako’y sinuwerte, kung ano ang ginawa ko sa Maynila na pabahay ay ganun din ang gagawin ko sa buong bansa, maibalik ko lamang ang dignidad sa pamumuhay ng mahihirap.”

Sa Maynila, pitong housing projects ang ipinatayo ni Moreno para sa mga mahihirap, nangungupahan at mga empleyado ng City Hall na walang sariling bahay. Ang bawat units ay may sukat na 42 square meters at kumpleto ng two bedrooms, toilet, laundry area, dining area, study area at living room. (ANDI GARCIA)