Advertisers

Advertisers

VP LENI UMARANGKADA NA SA SURVEYS!

0 578

Advertisers

UMARANGKADA na sa mga survey si Vice President Leni Robredo, ngayong sasabak na siya sa laban para maging pangulo ng bansa sa Eleksyon 2022.

Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) nitong Oktubre, umangat na sa pangalawang puwesto si Robredo, na nakakuha ng 18 percent.

Isinagawa ang pinakabagong SWS survey mula October 20 hanggang 23, dalawang linggo matapos ianunsyo ni Robredo na lalaban siya sa pagkapresidente sa May 2022 elections.



Malaking pag-angat ang nakita para sa Bise Presidente, kumpara sa mga isinagawang survey sa mga nagdaang buwan kaugnay ng mga tinitingnang kakandidato para pangulo.

Kinikilala man niya na maaga pa sa laban, tinuturing ni Robredo na “napakagandang balita” ng pag-angat ng kaniyang survey ratings. Aniya, ito ay “hindi natin inaaasahan” dahil sa loob ng limang taon ng tapat at matinong panunungkulan ay pangunahin na siyang target ng fake news at kasinungalingan.



Mula nang pormal na ihain ni Robredo ang kaniyang kandidatura, sumabog na ang suporta mula sa taumbayan, online man o sa totoong buhay. Maliban sa pagsabog ng pink sa social media, nakita rin ang iba’t ibang paraan at gimik din ang nakikita mula sa volunteers at supporters—mula sa mga lugawan at iba pang outreach initiatives, hanggang sa pagdidisenyo at pagpapa-print ng kaniya kaniyang t-shirt at iba pang campaign materials.

Sa kaniyang pagdalaw sa mga probinsya ay nakita ang init ng suporta ng taumbayan: mula sa iba’t ibang bahagi ng Bicol, hanggang sa Negros Occidental, Misamis Oriental, Bukidnon, Lanao del Sur, Cebu, Nueva Ecija, Tarlac, at Batangas.



Dumadami narin ang mga lokal na opisyal na lumalabas upang magpahayag ng suporta sa kaniya. Kasama na rito sina Cagayan de Oro Mayor Oscar Moreno, Iloilo City Mayor Jerry Treñas, at Iloilo Province Governor Arthur Defensor Jr..

Lubos ang pagpapasalamat ni Robredo sa lahat ng mga tumitindig at nagtitiwala sa kaniya. Patuloy din ang kaniyang pag-iikot sa ngayon upang pasalamatan ang supporters at volunteers.