Advertisers
NAG-SORRY si Senador Ronald dela Rosa sa mga kapwa senador na tinawag niyang ‘bwisit’ dahil sa panawagan na bawian ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Aminado si dela Rosa sa pagkakamali at aniya nadala lamang siya ng matinding pagkadismaya at emosyon.
“I am really very sorry. Very inappropriate ‘yung nasabi kong bwisit sila. Nasobrahan ‘yung aking emotion, nadala ako, kaya mag-apologize na lang ako sa kanila. Maling mali ‘yung nasabi ko kahapon. Nadala ako sa aking emotion,” pahayag ng senador.
Paglilinaw pa niya ang kanyang pahayag ay para sa mga pulitiko na nais alisan ng pondo ang NTF-ELCAC at hindi sa mga tinapyasan ng pondo ang task force sa susunod na taon.
Nitong Linggo nasabi ni dela Rosa ang, “Sabihin ko sa kanila—ito pangit pakinggan eh—pero bwisit sila.”
“I-abolish kung kailan naging successful ‘yung ahensya sa paglaban sa terorismo, paglaban sa insurhensya, i-abolish nila? Ano, puro pamumulitika na lang talaga ang iniisip nila, na porke nasa oposisyon sila, gusto nila hindi maging successful itong administrasyong Duterte sa paglaban ng problema ng ating bansa? Ganun na lang talaga ang utak nila? Bwisit,” saad pa nito.
Agad naman nagbigay ng reaksyon si Senate Minority Leader Frank Drilon at pinagsabihan si dela Rosa na sumentro na lamang sa tunay na isyu.