Advertisers

Advertisers

Covid update: 984 bagong kaso; 2,229 gumaling; 218 nasawi

0 79

Advertisers

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 984 na karagdagang kaso ng COVID-19 nitong Lunes, Nobyembre 22.

Samantala ay mayroon namang naitalang 2,229 na gumaling at 218 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.7% (19,798) ang aktibong kaso, 97.6% (2,759,767) na ang gumaling, at 1.67% (47,288) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 20, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 5 labs na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na naitest at 2.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng face mask at kung maaari gumamit pa rin ng face shield, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad din na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More